Bata, Importante Ka!


Mahalaga ang papel na ginagampanan ng bawat bata sa ating bansa. Sila ang nagbibigay ng kulay sa madilim na mundo ng kanilang mga magulang, at sakanilang kapwa. Sa ating mundo, may kanya-kanya tayong tungkulin na dapat gampanan, para sa magulang man o sa anak.

Kaugnay na larawan
Ang tamang pag-aaruga sa bata ang pangunahing responsibilidad ng isang magulang. Palakihin ang mga bata ng may takot sa Diyos, respeto sa kapwa, pag-aralin, gabayan at turuan ang anak upang maging isang mabuting mamamayan ay ilan lamang sa mga kasangkapan para sa tamang pag-aaruga ng mga bata. Para sa aming mga kabataan, tungkulin naming igalang at sundin ang mga payo ng aming mga magulang. Mahalin sila gaya ng pagmamahal nila sa atin at suklian ang kanilang paghihirap sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, at makapagtapos sa pag-aaral.

Panindigan natin na ang kabataan talaga ang pag-asa ng ating bayan. Ipagpatuloy ang mga magandang nasimulan. Gawin ang mabuti at nararapat na gawain. Lahat tayo’y dapat magtulungan sa pagpapaunlad ng ating bansa, maging isang mabuting mamamayan.

Reference:
Positive Parenting: How to Increase your Parenting Skills?,Positive Psychology Program,https://positivepsychologyprogram.com/wp-content/uploads/2015/03/positive-parenting-program-1.jpg




Mga Komento

  1. Napakagandang mabasa ang iyong sanaysay tungkol sa kahalagahan ng mga bata, Sophia. Tunay na ang kabattan ay ang pag-asa ng bayan!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Resiliency of Filipinos

Make Planting a Habit

SONA 2018