Values Month Celebration
"Mapanuring paggamit ng Gadget: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa", ang tema ngayong taon ng Filipino Values Month Celebration. Lingid sa ating kaalaman, na halos tayong lahat, mapa-bata man o matanda ay mayroon na ring sariling "social media accounts", na ginagamit para sa ating kanya-kanyang hangarin.
Ang paggamit ng cellphone minsan ay talagang sumisira sa atin at sa ating kalusugan, kaya dapat tayong matuto na gawin ang tamang pagbabalanse at huwag sobrahan ang paggamit nito.
Lahat ng mga bagay dito sa mundong ating kinagagalawan ay hindi mapagkakailang mayroon talagang maganda at masamang maidudulot sa atin. Isa na lamang ay ang teknolohiya na kinabibilangan ng mga gadgets na tulad ng cellphone. Isang mahalagang bagay sa atin ang cellphone, lalo na sa mga taong malayo sakanilang pamilya dahil isa ito na maaari nilang gamitin sa pakikipag-ugnayan. Maaaring sabihin ng iba na, itoy nakakasira sa ating pag-aaral at nagiging distraksyon sa mga may trabaho ngunit para sa akin, depende na iyon sa tao kung hahayaan na niyang cellphone na ang sisira sakanya, sa kanyang kalusugan, at uubos sakanyang oras. Hindi natin alam kung gaano kalaki ang naitutulong ng cellphone sa atin, pinapagaan at pinapadali ang pakikipagkomunikasyon sa kapwa, at sa ating mga minamahal sa buhay.
Ang paggamit ng cellphone minsan ay talagang sumisira sa atin at sa ating kalusugan, kaya dapat tayong matuto na gawin ang tamang pagbabalanse at huwag sobrahan ang paggamit nito.
References:
http://www.gadgetsandtech.net/wp-content/uploads/2015/07/gadgets-in-hand-1000x500.jpg, ,www.gadgetsandtech.net
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento