Mahalin ang Sariling Atin
Ang wikang Filipino ay itinanghal bilang Pambansang wika ng ating bansang Pilipinas dahil mas marami sa mga mamamayan ang gumagamit na sa wikang ito. Kaya tayo nagkakaunawaan at nagkakaintindihan kahit saang sulok ka man ng Pilipinas magpunta dahil sa wikang ito.
Ginagamit ng mga guro ang wikang Filipino bilang midyum sa kanilang pagtuturo sa ilan lang na asignatura tulad na lamang ng ESP, Filipino, at AP, hindi ba’t mas madaling maunawaan ng isang kabataang Pilipino ang mas mahirap na intindihin o unawain na leksyon kung wikang Filipino ang gagamitin? Para sa kabutihan din ng lahat ang panukala ng KWF na gawing wikang saliksik ang wikang Filipino para hindi na mahihirapan ang mga tulad kong mag-aaral na umintindi sa ibang wika tulad ng Ingles, dahil hindi naman lahat ay marunong umintindi nito. Marami kaming mga mag-aaral na gumagamit ng Ingles sa pananaliksik, ngunit hindi lahat ay naiintindihan ang nasaliksik sapagkat hindi niya naintindihan ang kanyang isinaliksik, at minsan naiiba na rin ang kahulugan nito.
Para maipakita natin ang pagmamahal sa ating bansa at pagkamakabayan, maigi rin na gamitin natin ang wikang Filipino. Mas lalo pa tayong uunlad sa ating kaalaman at kahusayan kung ito ay ating gagamitin sa lahat ng aralin at pang-araw-araw na gawain, para sa mga dokto, ang pagbibigay payo sa maysakit at para sa abogado, ang pagpapayo sa kanyang kliyente. Uunlad ang ating bansa kung wikang Filipino ay gagamitin para sa ating pagkakaisa.
Reference:
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento