Turo Mo, Kinabukasan Ko

Taun-taon nagaganap ang pagdiriwang ng Teachers' Day, upang kialanin ang mga sakripisyonv nagawa at gagawin pa lamang ng ating mga guro. Ipinagdiriwang ng Pilipinas ang National Teachers’ Month sa bisa ng Proclamation No. 242 na inilabas noong Agosto 24, 2011, sisimulan ng Setyembre 5 at magtatapos sa World Teachers’ Day sa Oktubre 5. 

Ang tema ngayong taon ay "Gurong Filipino: Turo mo, Kinabukasan ko". Lahat ng kanilang mga itinuturo nila ay may kontribusyon para sa pagkamit ng ating magandang kinabukasan. Iba't iba man sila ng paraan sa pagtuturo ngunit, iisa lamang ang kanilang layunin.. ito ang maibigay sa atin ang de-kalidad na edukasyon at sapat na kaalaman para tayo'y magtagumpay at makamit natin ang ating mga pinapangarap. 


Mahalagang bigyan natin sila ng pugay at pasalamatan kung ano man ang ating makakamit sa hinaharap. Ipakita natin na ang kanilang pagsasakripisyo na may kulang na tulog at deretsong pagtratrabaho nila ay maganda ang bunga. Lagi nating tatandaan na malaki rin ang kanilang parteng nagawa sa atin kaya't dapat huwag natin silang kalilimutan. Ang ating kinabukasan ay alay natin sa ating pamilya, sarili at sa ating mga guro.

References:
http://balita.net.ph/2014/10/05,WORLD TEACHERS’ DAY: PAGDIRIWANG SA PINAKADAKILANG PROPESYON
https://www.google.com.ph/search?q=theme+2018+teachers+day&tbm=isch&ved=2ahUKEwjA-OHZ3ZPeAhXSaysKHS9VCHMQ2-cCegQIABAC&oq=theme+2018&gs_l=mobile-gws-wiz-img.1.1.0i19l4j0i5i30i19.3178.8847..9747...9.0..1.264.2787.0j14j3......0....1.......5..35i39j0i5i30j0i8i30.G4_gFRVucTk&ei=mnLKW8DDKNLXrQGvqqGYBw&client=ms-android-vivo&prmd=inv#imgrc=mQ3flnf4mK-ozM&imgdii=WuRH44EvWePEyM, depedzn.net, Welcome to DepEd - Schools Division of Zamboanga del Norte

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Resiliency of Filipinos

Make Planting a Habit

SONA 2018